NABAWASAN NA | Mga stranded sa pantalan, tuluyan ng bumaba – PCG

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ni PCG Spokesman Capt. Armand Balilo sa patuloy na pagmo-monitor ng Action Center ng PCG sa mga pantalan dulot parin ng bagyong Urduja kung saan bumaba na ang mga stranded partikular sa lalawigan ng Palawan.

Sa talaan ng PCG ang mga stranded partikular sa Puerto Princesa Palawan sa port of Raxas nasa 10 nalamang pasahero ang stranded at isang motor banca sa Port of Kalyebajo Fish isang motor banca ang stranded at sa Corona pat na Vessels at isang motor banca ang stranded, El Nido isang vessels,Cuyo 108 pasahero at 3 motor banca ang stranded.

Payo ni Balilo sa mga maliliit na sasakyan pandagat na iwasan munang maglayag partikular sa Palawan kung saan naglalakihan parin ang alon dulot ng bagyong Urduja.


Facebook Comments