Nabigyan ng serbisyo ng DOTr sa Free Ride for Health Workers, umabot na ng mahigit 400-K

Umabot na ng 413,589 na health workers sa buong bansa ang nabigyan ng serbisyo ng  Department of Transportation o DOTr Free Ride for Health Workers program mula nang ipinatupad ito noong March 18.

Mula sa nasabing bilang, 81,225 dito ay mula sa National Capital Region o NCR at 332,364 naman ay mula sa iba’t ibang rehiyon ng bansa.

Ayon kay DOTr Secreatary Arthur Tugade, ito ay magpapatuloy hanggaang sa May 15 dahil extended din ang Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Luzon at ilang rehiyon sa bansa.


Kaya naman tiniyak ni Tugade na magpapatuloy din  ang Fuel subsidy sa mga bus company na nagbibigay ng libreng sakay sa mga health workers sa ilang lugar ng bansa kung saan umiiral ang ECQ.

Siniguro ng Phoenix Petroluem Philippines Inc. bilang katuwang ng DOTr sa nasabing programa na may sapat itong supply ng fuel upang makapag bigay ng 50 liters araw-araw sa 60 na private buses na nagbi-biyahe upang magbigay ng libreng sakay sa mga health worker.

Facebook Comments