Pumalo na sa 88 ang bilang ng mga fireworks-related injury sa bansa.
Simula December 27 hanggang 28, nakapagtala ang DOH ng 13 bagong nabiktima ng paputok na edad 5 hanggang 49.
Kabilang dito ang isang apat na taong gulang na lalaki mula CALABARZON na aksidenteng nakalunok ng watusi sa bahay.
Ayon sa DOH, ito ang unang kaso ng watusi ingestion mula nang simulan nila ang monitoring noong December 21.
Samantala, sa kabuuang bilang, 52 ay kagagawan ng illegal firecrackers gaya ng boga, five star, piccolo at pla-pla.
Pinakamaraming kaso ay naitala sa NCR, 31; sinundan ng Central Luzon, 11 at Ilocos Region, 10.
Facebook Comments