96% ng mga Pinoy, haharapin ang 2024 nang may pag-asa – SWS

Mayorya o 96 percent ng mga Pilipino ang sasalubungin ang Bagong Taon nang may pag-asa.

Batay ito sa isinagawang survey ng Social Weather stations mula December 8 hanggang 11.

Ang nasabing bilang ay mas mataas kumpara sa 95 percent na naitala noong 2022 at pinakamataas din mula noong pre-pandemic.


Samantala, tatlong porsiyento lamang ng mga respondents ang nagsabing may pangamba sila sa pagpasok ng 2024.

Sa naunang survey ng SWS, 73 percent ng mga Pilipino ang umaasang magkakaroon ng masayang Pasko na kapareho rin noong 2022.

Facebook Comments