Manila, Philippines – Inaabisuhan ang mga motorista partikular yung mga naka motorsiklo na mag-ingat kapag dumadaan sa Marcos highway partikular sa bahagi ng Marikina Pasig o sa may Ligaya going to LRT Santolan Station.
Nagkabutas-butas kasi ang kalsada dahil sa walang humpay na pag-ulan at gutter deep na pagbaha.
May kalaliman din ang mga butas at kapag na-shoot ang gulong ng mga naka single na motorsiklo, e napakadelikado lalo na ang mga hindi kabisado ang daan.
Kaya panawagan sa DPWH o sa LGU na agad lagyan ang mga ito ng early warning device at isailalim sa rehabilitasyon kapag gumanda na ang panahon.
Samantala, dahil walang pasok ang mga estudyante ngayon, wala namang problema sa daloy ng trapiko sa magkabilang panig ng Marcos Highway.
Facebook Comments