NABUWAL | Dalawang poste ng kuryente, sumabit ang kable sa dumaraang truck

Manila, Philippines – Nabuwal ang dalawang poste ng kuryente makaraang sumabit ang mga kable nito sa dumaraang truck sa kahabaan ng highway 2000 sa taytay, rizal.

Hindi umano napansin ng driver ang mababang mga kawad kaya aksidente itong nahila ng truck.

Dahil sa insidente, pansamantalang nawalan ng kuryente ang mga bahay at establisyimento sa lugar.


Agad din namang naayos ng mga tauhan ng meralco ang mga natumbang poste.
Sabi ng ilang residente, kadalasang may dalang kahoy ang malalaking truck na dumadaan sa lugar na ginagamit na pang-angat sa mabababang kable.

Facebook Comments