Manila, Philippines – Patuloy na nadadagdagan ang mga lumalabag sa iba’t ibang ordinansa sa kalakhang Maynila.
Sa datos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) mula June 13 hanggang December 19, 2018.
Umaabot na sa 28,159 ang nahuling nag-iinom sa mga pampublikong lugar; 157,550 ang lumabag sa smoking ban habang nasa 35,468 ang mga nakahubad o walang damit pang itaas at nasa 36,918 naman ang mga menor de edad ang lumabag sa curfew hours at 342,112 ang lumabag sa iba pang ordinansa.
Sa kabuuan sumampa na sa 600,207 ang mga indibidwal ang inaresto ng mga otoridad dahil sa paglabag sa iba’t ibang city ordinances.
40,501 ay mula sa NPD; 116,675 – EPD; 48,952 – MPD; 36,687 – SPD at 357,392 – QCPD.
Facebook Comments