NADAGDAGAN | Nakuhay na labi sa Naga City, Cebu – umakyat na sa 62

Cebu – Umakyat na sa 62 ang bilang ng nahukay na labi sa nangyaring landslide sa Naga City, Cebu.

Sa datos mula sa incident command post, 18 indibidwal ang nasugatan sa insidente habang may 28 indibidwal pa ang nawawala.

Nagpapatuloy pa rin ang search, rescue at retrieval operations sa pag-asang may mga survivor pa rin sa lugar.


Nabatid na nasa 30 bahay mula sa Barangay Naalad at Tinaan ang natabunan sa pagguho ng lupa mula sa quarrying site sa Naga City noong Huwebes, September 20.

Facebook Comments