Ilocos Sur – Nadakip na ang isang dating pulis na suspek sa pagpatay sa isang lalaki sa loob ng public market ng Vigan, Ilocos Sur.
Nasakote ang suspek na si SPO3 Jose Arce sa San Fernando City, La Union habang nagtatago ito sa krimen.
Sa imbestigasyon, binaril ng suspek ang biktimang si Reynante Balmaceda Manuel sa hindi pa mabatid na dahilan.
Nagawang maisugod sa Ilocos Sur Provincial Hospital-Gabriela Silang ang biktima pero namatay din ito habang ginagamot.
Facebook Comments