WALANG PINSALA | Magnitude 4.1 na lindol, tumama sa Ilocos Norte

Ilocos Norte – Tumama ang magnitude 4.1 na lindol sa Ilocos Norte kagabi.

Ayon sa PHIVOLCS, naitala ang episentro ng lindol sa layong 2 kilometers south ng Paoay dakong alas-6:46 kagabi na may lalim na 28 kilometers kung saan tectonic in origin ang dahilan.

Dahil dito, naramdaman ang intensity III sa Bacarra, Ilocos Norte; Sinait, Ilocos Sur; Pasuquin, Ilocos Norte; Vigan City at Laoag City.


Naramdaman naman ang intensity I sa bayan ng Claveria sa Cagayan.

Wala na din inasahan pang aftershocks at wala din anumang napinsala sa nangyaring lindol.

Facebook Comments