NADAKIP NA | Lalaking wanted dahil sa kasong rape arestado sa Makati

104

Makati City – Nadakip na ng mga otoridad ang isang lalaki na may kasong rape sa Ocampo Street, Barangay Pio del Pilar, Makati City.

Kinilala ang naaresto na si John Joseph Speleski na ilang buwan din nagtatago sa batas.

Nabatid na natunton ang kanyang kinaroroonan makaraang makatanggap ng tip ang mga pulis na tumatambay ito sa nasabing barangay.

Agad na nagsagawa ng operasyon laban sa kanya kung saan hindi na pumalag pa ang suspek nang palibutan ito ng mga otoridad.

Facebook Comments