TAPATAN | Manny Pacquiao, nasa 100% nang kondisyon

32

Malaysia – All set na at handang-handa na sina Manny Pacquiao at WBA Welterwweight Champion Lucas Matthysse sa magiging laban nila sa Linggo (July 15).

Sa final press conference na ginanap sa Hilton Hotel sa Kuala Lumpur, Malaysia, kitang-kita ang pagiging kondisyon ni Pacquiao kung saan nasa peak na daw ito ng kaniyang preparasyon sa nasabing laban.

Wala naman daw problema kay Matthysse kahit pa sobra ng 10-pounds ang kaniyang bigat dahil madali lang daw magbawas bago ang araw ng bakbakan.

Nabatid na kapwa plano nina Matthysse at Pacquiao na hindi na paabutin pa ang laban hanggang 12th round kaya at nais nila na tapusin na ito bago pa ang ika-10th round.

Facebook Comments