NADAKIP NA!!! MELCHOR ABRAZADO, Ang Nagtakas ng P3.4M na Pambunos ng LGU-Tinambac Noong 2017

69

Mahigit 2-taon na ang nakalipad nang bumulaga sa Camarines Sur ang balitang itinakas ni Melchor Abrazado ang pambonus ng mga emppleyado ng LGU Tinambac na umabot sa P3.4M.
Magugunitang nitong nakaraang linggo, pumunta sa Land Bank – General Luna Branch sa Naga City upang mag-withdraw ng pera sina Ma. Theresa Hermogenio-Betito, Incharge ng Tinambac Office of the Treasury, Dedina Ariola Ortiz, Administrative Officer 4, Felipe Madrona, Jr. at Melchor Abrazado, pawang mga empleyado ng pamahalaang local ng Tinambac.
Naglaan ng umaabot sa 200 libong piso ang lokal na pamahalaan para sa ikahuhuli ni Abrazado.
Kahapon, muli na namang bumulaga sa Camarines Sur ang balitang nahuli na si Melchor Abrazado at kasalukuyan ng nasa Naga City District Jail sa Barangay Del Rosario, Naga City.
Si Abrazado ay naaresto sa Brgy. Victory, Bolinao, Pangasinan, kamakalawa sa pamamagitan ng operasyon ng CIDG-Ilocos.

Facebook Comments

From Advertisers