Nadakip na Umano’y Finance Officer ng CPP-NPA sa Cagayan, Anak ng Napatay na Chairman ng ANAKPAWIS

44

Cauayan City, Isabela- Lumalabas ngayon na anak ng napaslang na Anakpawis National Chairperson at NDFP Peace Consultant Randall “Randy” Echanis ang diumano’y Finance Officer ng CPP-NPA sa probinsya ng Cagayan na dinakip sa Brgy. Carupian sa bayan ng Baggao.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng mga otoridad ang naaresto na si Amanda Socorro Echanis, 32 taong gulang, may-asawa at itinuturong Finance Officer ng CPP-NPA na kumikilos sa Cagayan.


Sa ginawang paghahalughog ng mga operatiba ng AFP at PNP sa bisa ng Search Warrant na inilabas ng usang hukom sa Baggao ay nakumpiskahan si Echanis ng mga matataas na kalibre ng baril, mga bala at pampasabog.

Maging ang isang buwang gulang na anak ni Echanis ay kasama nito nang siya ay dakpin.

Magugunitang napaslang ang nakatatandang Echanis ng ito ay binaril at pinagsasaksak sa mismong bahay nito sa Novaliches, Quezon City noong nakaraang buwan ng Agosto ng kasalukuyang taon.

Facebook Comments