NADALA NG EMOSYON | Tweet ng mister ng singer na si Jinky Vidal, umani ng negatibong komento

33

Manila, Philippines – Umaani ngayong ng batikos ang mister ng dating freestyle lead singer na si Jinky Vidal matapos tila maliitin ang nasabing banda.

Nagtweet kasi si Jeric Medina na wala ng kuwenta ang banda dahil wala na doon ang kaniyang asawa.

Bagaman dinelete na ang tweet, marami namang netizens ang nabastusan dito.

Agad namang humingi ng paumanhin si Medina at sinabing nadala lamang siya ng kaniyang emosyon ng makita na wala na sa banda ang kaniyang asawa.

Facebook Comments