Nadine Lustre at James Reid – nagli-live na

Manila, Philippinnes – Tuloy lang ang life…

‘yan ang say ng aktres na si Nadine Lustre kasunod ng mga negatibong reaksyon ng ilang netizen tungkol sa balitang nagli-live na sila ng boyfriend na si James Reid.

Sabi kasi ng ilang netizen, dapat ay magpakasal muna ang dalawang tao bago magsama sa iisang bubong.


Hindi naman ito direktang kinumpirma ni Nadine pero aniya ano naman sakaling ngang totoo ang tsismis?

Sabi pa nito, dapat daw na maunawaan ng publiko ng may mga bagay sa buhay nila ang hindi na kailangan pang i-broadcast sa iba.

Inamin naman ng aktres na hindi pa kasali sa mga plano niya ngayon ang pagpapakasal.

Aniya, marami pa siyang gustong gawin at ma-achieve sa buhay.

Facebook Comments