Pinakamahal na fidget spinner sa buong mundo – ibinida ng isang Russian company

Russia – Tampok ngayon sa Russia ang tinaguriang pinakamahal na fidget spinner sa buong mundo.

Ibinebenta ng kumpanyang Cavaiar ang nasabing fidget spinner na nagkakahalaga ng $17,000 o katumbas ng mahigit 800-libong piso.

Gawa kasi sa purong ginto ang spinner na nilagyan pa ng maliliit na diyamante bilang dekorasyon.
Bukod sa solid gold fidget spinner, una nang inilabas ng Caviar ang gold na Iphone na nagkakahalaga naman ng halos 200-libong piso.


Facebook Comments