Nadine Lustre, maglulunsad ng fund raising virtual concert para sa mga drag queens at elderly gays

60

Maglulunsad ng virtual concert sa darating na Lunes ang aktres at performer na si Nadine Lustre na layong makakalap ng pondo para sa mga drag queens at elderly gays.

Ayon kay Nadine, hanga siya sa mga drag queens at nais niyang maging boses ng LGBTQIA+ community.

Inaasahan naman na ipe-perform ng aktres ang kaniyang mga kanta na “White Rabbit,” “Seconds,” “Dance with Danger,” “Glow,” at “Ivory” kasama ang mga kilalang Filipino drag queens na sina Vinas DeLuxe, Lady Gagita at Andy Crocker.


Mapupunta ang malilikom na pera sa virtual concert sa Golden Gays Foundation, isang non-profit organization na sumusuporta sa mga LGBTQIA+.

Facebook Comments