Pagsuot ng mask sa loob ng mga establisyemento, ibinalik sa Israel

136

Ibinalik ng health ministry ang pagsusuot ng face mask sa loob ng mga establisyemento sa Israel.

Bunsod ito ng tumataas na kaso ng COVID-19 sa kanilang bansa nitong nakaraang sampung araw.

Ayon kay Israel Pandemic Response Taskforce Head Nachman Ash, umabot sa 227 na kaso ang naitala sa Israel sa loob ng isang araw nitong Huwebes.


Posible aniyang dahil ito sa mas nakakahawang Delta variant, na unang nakita sa India.

Facebook Comments