Nadine Lustre, may panawagan kasabay ng SONA ni Duterte: ‘Hawak kamay, ‘wag hugas-kamay’

2159
IG/@nadine

Naglabas ng paninindigan si Nadine Lustre kasabay ng ikalimang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong Lunes.

Sa Instagram, ibinahagi ng aktres ang ipininta niyang pahayag na, “Pagbabago, hindi abuso. Pagkakaisa, wag mang-isa. Hawak kamay, wag hugas-kamay.”

At tinapos sa linyang, “I’m a Filipino and I stand for my country. We deserve better!”

Ito ay bilang pakikiisa ni Lustre sa inilunsad na protestang #SONAgkaisa, na isinagawa pareho online at sa University of the Philippines – Diliman.

 

Isa lamang si Lustre sa maraming celebrities na aktibong nagsasalita hinggil sa mga kasalukuyang isyu.

Kamakailan lang ay nanawagan din ang aktres na iwasan na ang away at pagkakahati, at magkaisa na lang sa mga bagay na dapat pagtuunan ng pansin.

Facebook Comments