Manila, Philippines – Kasalukuyang nagpapagaling ang aktres na si Nadine Lustre matapos itong mag-positibo sa dengue kahapon.
Ayon sa 23-year-old na aktres, dalawang linggo nang masama ang kanyang pakiramdam pero ipinagkibit balikat niya lang ito.
Hinala ni Nadine, posibleng nakuha nya ang sakit sa Mt. Ulap sa Benguet kung saan sila namasyal ng boyfriend na si James Reid at ilang kaibigan.
Payo ni Nadine sa kaniyang fans, huwag balewalain ang dengue dahil posible itong lumala kung babalewalain lang.
Nagpasalamat naman ito na buhay pa rin siya matapos na malamang nakamamatay pala ang kanyang sakit.
Facebook Comments