Nadine Lustre, nagsalita na ukol sa isyung hindi siya ang napiling Darna

1294
Screenshot via Donnalyn Bartolome on Youtube

Isa si Nadine Lustre sa mga napipili ng publiko na papalit kay Liza Soberano na maging bagong Darna.

Una nang winithdraw ni Liza ang proyekto dahil sa finger injury nito kung saan inoperahan siya ng tatlong beses.


Matapos ng ilang buwang paghahanap ng papalit kay Liza, nakapili na rin ang ABS-CBN executives at walang iba kundi si Jane de Leon.

Umani ng reaksyon mula sa mga netizen ang pagpili kay Jane dahil si Nadine ang paborito ng masa.

Hindi man inaasahan si Jane, pinaliwanag naman ni Nadine kung hindi siya ang napiling Darna.

Sa kaniyang panayam sa CNN Philippines, sinabi ni Nadine na honored siya ang gusto ng mga tao para sa role na ito ngunit hindi siya nag-audition o gumawa ng effort.

“Honestly I’m just really honored that people like parang they want me to be their Darna kasi I didn’t put any effort [for] the movie. I didn’t audition or anything,” ani Nadine.

“To be compared or to be likened kay Darna na, you know, independent, powerful, it’s really nice,” dagdag niya.

Siya ang napupusuan nina Erik Matti at Lorna Tolentino, na gumanap noon na Darna, para sa role na ito.

Samantala, nag-viral naman noon ang video ni Nadine sa pagsigaw nito ng ‘Darna’ sa isang vlog ng kaibigan na si Donnalyn Bartolome.

Facebook Comments

From Advertisers