P2-M halaga ng shabu, nasabat sa senior citizen sa Bulacan

83

Kalahating kilo ng shabu na nagkakahalagang P2 milyon ang nasamsam sa isang senior citizen sa Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Carlos Dalagan, na naaresto sa gilid ng kalsada sa isinagawang buy-bust operation sa Malolos.


Inaalam pa ng pulisya kung may malaking grupong kinabibilangan si Dalagan, base sa ulat ng Unang Balita.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Emerey Abating, hepe ng Malolos City Police, itinatanggi ng suspek na kilala niya ang nagbigay sa kaniya ng shabu para ibenta.

Facebook Comments

From Advertisers