NADISKUBRE | Medical waste, tinatapon sa sementeryo

Negros Occidental – Inirereklamo ng caretaker ng isang sementeryo sa
Murcia, Negros Occidental ang Municipal Health Office ng bayan dahil sa
hindi tamang pagtatapon nito ng medical waste sa lugar.

Nadiskubre kasi ng caretaker na si Crisanto Marquez ang isang plastic bag na
may lamang medical waste o yung mga ginamit na bote ng kemikal at mga
injection.

Ayon kay Marquez, itinambak umano ng mga tauhan ng Municipal Health Office
ang mga medical waste sa lugar dahil puno na ang underground tank kung saan
regular na itinatapon ang mga basurang may kemikal.


Agad din namang nakarating sa lokal na pamahalaan ang reklamo kaugnay sa di
wastong pagtatapon sa loob ng sementeryo at nakatakda na nilang ipalinis
ang mga basura.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments