AKSIDENTE SA DAAN | 2 motor rider, patay sa magkahiwalay na aksidente sa Aklan

Aklan – Patay ang anak ng isang dating Secretary ng Provincial Council
matapos sumalpok ang minamanehong mototrsiklo sa mga hollow block sa
national highway sa Brgy. Solido, Nabas, Aklan kahapon.

Naisugod pa sa Aklan Provincial Hospital ang biktimang si Odon Bandiola,
Jr, 29-anyos, pero agad ding binawian ng buhay.

Nauna rito, isang motorcycle accident din ang naganap sa Brgy. Habana kung
saan patay din ang driver na si Nicasio Ocson, 21-anyos.


Sa imbestigasyon ng pulisya, bumangga ang motorsiklong minamaneho ni Ocson
sa poste at signage sa gilid ng national highway sa naturang lugar.

Isinugod pa sa Ibajay District Hospital si Ocson, pero binawian din ng
buhay dahil sa tinamong sugat ulo at iba pang bahagi ng katawan.

Paalala rin ng otoridad na magdahan-dahan sa pagmaneho at iwasan ang
pagmamaneho kung nakainom ng alak o inaantok.

<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments