NADISKUBRE | Sindikato sa loob ng NFA, natuklasan!

Manila, Philippines – May sindikato umano sa loob ng National Food Authority (NFA).

Ito ang nadiskubre ng Senado sa isinasagawa nilang imbestigasyon hinggil sa nararanasan ngayong krisis sa bigas sa bansa.

Ayon kay Senate Committee on Economic Affairs Chairman Sherwin Gatchalian, napag-alaman nilang may sindikato sa loob ng NFA na dekada nang nakikipagsabwatan sa ilang pasaway na mga rice retailer.


Ang siste, ibinebenta nang mahal ng mga retailer ang NFA rice na may kalidad na sing ganda ng commercial rice.

Kaugnay nito, muling iginiit ng senador ang pag-abolish sa NFA at ipaubaya sa pribadong sektor ang pag-aangkat ng bigas.

Pero aniya, paiiralin pa rin ang regulasyon ng gobyerno para matiyak na hindi masasamantala ang presyo nito.

Facebook Comments