Nadiskubreng bagong uri ng Swine Flu sa China, malaki ang posibilidad na maging pandemic

Nakadiskubre ng isang bagong uri ng Swine Flu ang China sa kanilang bansa na malaki ang posibilidad na maging isang pandemic.

Base sa pag-aaral na inilabas kahapon ng US Science Journal P-Nas, pinangalanan ang virus na G.4 na nagmula sa H.1.N.1 strain na dahilan din ng pagkalat ng Swine Flu pandemic noong 2009.

Ayon sa Chinese Universities and China’s Center for Disease Control and Prevention, ang G4 virus ay nagmula sa mga baboy na nagtataglay ng mga tanda na maaari itong makapanghawa sa tao.


Sa ngayon, 30,000 nasal swabs na ang nakuha ng mga mananaliksik sa mga baboy mula 2011 hanggang 2018 kung saan 179 dito ay nagpositibo sa Swine Flu Virus.

Facebook Comments