Nadiskubreng “online cheating”, sintomas ng mas malaking problema sa edukasyon ng bansa

Naniniwala ang isang kongresista na nagpapakita na may malaking problema sa limitasyon ng kasalukuyang sistema ng edukasyon ang napaulat na Online Kopyahan Facebook group.

Aminado si Rizal Rep. Fidel Nograles na mali at nakadidismaya ang nangyaring online kopyahan pero dapat aniyang tingnan ang bagay na ito ng higit pa dahil sintomas na ito ng mas malaking problema.

Aniya, kailangan itong unawain at resolbahin ang isyu nang hindi masyadong mabigat ang parusa.


Sinabi ng kongresista na simula noong nakaraang taon ay marami ng naririnig tungkol sa epekto ng online learning sa mental health ng mga estudyante.

Paliwanag ng kongresista, tiyak na mabigat rin sa mga mag-aaral ang biglang pagpapalit mula classroom learning tungo sa online at modular education.

Tinukoy nito ang online survey ng Movement for Safe, Equitable, Quality and Relevant Education (SEQuRE) mula June 25 hanggang July 2 ngayong taon kung saan lumabas na 66% ng mga mag-aaral sa ilalim ng online learning ay nagsabing kakaunti ang kanilang natutunan kumpara sa traditional face-to-face classes.

Facebook Comments