Manila, Philippines – Tanggap pero dismayado si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging paraan ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson para ipakilala sa publiko kung ano ang Federalismo.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, alam na ni Pangulong Dutert ang viral video at naniniwala aniya ang pangulo na maganda naman ang intensyon ni Uson pero dapat din aniyang maging mas malalim ang diskusyon patungkol sa Federalismo.
Wala naman aniyang aksyon si Pangulong Duterte patungkol sa issue dahil iginagalang ng Pangulo ang freedom of expression ng lahat.
Pero dahil aniya malaki ang usapin ng Federalismo ay gusto ng Pangulo na mas makabuluhan ang information dissemination na ginagawa ng Pamahalaan.
Facebook Comments