SINIGURO | DOLE, tiniyak na aalalayan ang mga OFW na gagamit sa amnestiyang ipinagkakaloob ng UAE

Manila, Philippines – Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na makakatanggap ng agarang tulong ang mga OFWs mula sa UAE, na gagamitin ang amnestiya na ipinagkaaloob ng UAE simula ngayong Agosto hanggang Otubre.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, bukod sa airport at cash assistance, bibigyan rin sila ng referral para sa local at overseas employment.

Sa ilalim ng programang DOLE Assist WELL, mabibigyan ang mga uuwing OFWs ng livelihood assistance, legal at conciliation service, competency assessment at training assistance.


Sa datos ng DOLE, tinatayang nasa 87, 706 undocumented OFWs mula sa Abu Dhabi at 14, 400 naman sa Dubai ang makikinabang sa amestiyang ito.

Facebook Comments