Albay, Philippines – 25 evacuees na ang nakaranas ng diarrhea sa Albay dahil sa mga kontaminadong tubig.
Sa tala ng Provincial Health Office, anim sa kabuuang bilang ay mga bata na pansamantalang nakatira sa San Jose Elementary School.
Sa isinagawang pagsusuri ng Sanitation Department, nagpositibo sa fecal contamination ang 30 sa 60 water supply sources sa mga temporary shelter sa Albay.
Dahil dito, nagpaalala ang lokal na pamahalaan na mga delivered water lang muna ang kanilang inumin at gamitin na lang sa pagligo at paglalaba ang mga tubig mula sa mga nabanggit na water supply sources.
Pinamamadali na rin ang pagtatayo ng dagdag na 600 palikuran at 200 temporary learning centers para sa mga evacuees na apektado ng patuloy na pag-aalburuto ng Bulkang Mayon.