NAGKITA | Tinaguriang World’s Tallest Man at World’s Shortest Woman, agaw-atensyon sa Egypt

Egypt – Bukod sa Giza Pyramids, agaw atensyon din sa Egypt ang pagbisita roon ng tinaguriang World’s Tallest Man at World’s Shortest Woman.

Mistulang reunion nga ng dalawang World Title holder ang nasaksihan ng mga turistang namamasyal sa lugar.

Si Sultan Kosen ay isang Turkish farmer na may taas na 8 feet 3 inches habang may sukat lang na 24.7 inches ang Indian Actress na si Jyoti Amge!


Ang pagbisita ng dalawang world record holder ay inorganisa ng Egyptian Tourism Promotion Board na layong maka-engganyo ng mas marami pang turista.

Matapos manatili ng apat na araw sa Giza Pyramids, sunod nilang bibisitahin ang Cairo Tower sa Egypt.

Facebook Comments