Manila, Philippines – Pinag-iisipan na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology ang posibilidad na ibaba ang alert level sa Bulkang Mayon.
Sabi ni PHIVOLCS resident volcanologist Ed Laguerta, unti-unti na rin kasing bumababa ang aktibidad na naitatala sa bulkan nitong mga nakalipas na araw.
Pero sa kabila nito, nakaka-detect pa rin ng maliliit na abnormalidad sa loob ng bulkan.
Sa 8 a.m. bulletin ng PHIVOLCS, nakapagtala ito ng sporadic at mahinang lava fountaining at degassing mula sa bunganga ng Mayon sa nakalipas na 24 na oras.
Sa ngayon, nakataas pa rin ang alert level 4 sa Mayon.
Facebook Comments