EPEKTO NG MASAMANG PANAHON | Presyo ng ilang gulay, tumaas

Manila, Philippines – Tumaas ang presyo ng ilang gulay dahil sa hindi magandang panahon.

Ayon sa mga nagtitinda, tumaas ng sampu hanggang bente pesos ang presyo ng mga gulay.

Halimbawa na lang ang talong na dating P40.00 kada kilo, ngayon ay mabibili na ito sa P60.00 kada kilo.


Habang ang ampalaya na dating P60.00, ngayon ay nasa P80.00 na.

Mas malaki naman ang itinaas sa presyo ng Okra, Patatas, Patola, Upo at Sibuyas.

Katwiran naman ng mga nagtatanim ng gulay, umulan kasi ng wala sa panahon.

Sa monitoring ng philippine statistics office para sa Department of Agriculture, pare-pareho ang itinaas sa presyo ng mga gulay sa karamihan ng mga palengke sa Metro Manila.

Facebook Comments