NAG-AALBURUTONG MAYON | Resulta ng pag-aaral ng PHIVOLCS sa sitwasyon ng bulkan, inaasahang ilalabas ngayong araw

Manila, Philippines – Ilalabas na ngayong araw ang resulta ng isinagawang closure survey o precise leveling survey ng Geodetic team ng Phivolcs sa Bulkang Mayon.

Ito ay matapos na mabatid kay Phivolcs Resident Volcanologist Ed Laguerta na nagkaroon ng pagbaba ng aktibidad sa Northern Portion ng Mayon habang sinukat din ang Southern Portion sa bayan ng Libon.

Paliwanag ni Laguerta na sakaling tahimik ang ibabang bahagi ng Bulkan, maaring walang bagong batch ng magma ang umaakyat habang ang natitirang batch lamang sa itaas na bahagi ang inilalabas sa pamamagitan ng Lava Flow kaya’t nananatili ang pamamaga nito.


Naobserbahan din ang pagbaba ng gas output ngunit hindi pa rin inaalis ang posibilidad na nagkaroon lamang ng kaunting pagitan at muling magaganap ang re-intrusion ng bagong magma.

Nangako ang Department of Social Welfare and Development sa Mayon evacuees na dekalidad ang relief goods na kanilang matatanggap.

Kasunod na rin ito ng report na expired na ang ilang relief goods na ipinamahagi sa mga evacuees.

Pagtitiyak ng DSWD, ang ipinamamahagi food items ay may tatlong buwang palugit bago ang expiration date.

Facebook Comments