NAG-ABISO | Lagay ng public order and security dito sa bansa, mababago – Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Nagbigay abiso si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko kaugnay ng aniya ay mga pagbabagong magaganap sa mga darating na araw na may kinalaman sa public order at security sa bansa.

Sa talumpati ng Pangulo kagabi, sinabi nitong marami pa ring mga krimeng nagaganap kabilang na dito ang kidnapping at kabi-kabilang patayan.

Babala ng Pangulo para sa mga kriminal at sa mga taong gobyerno, magapatupad siya ng radikal na pagbabago na gagawin niya sa mga susunod na araw.


Hindi rin pinalampas ng Pangulo ang human rights na ayon sakaniya ay dapat na umayos dahil kung hindi, ay mahaharap aniya sa mas malaking problema.

Facebook Comments