Lea Salonga, umani ng papuri bilang Best Featured Actress sa Theater Fans’ Choice Awards

Nanalo bilang bilang Best Featured Actress si lea Salonga sa isang Musical Award sa Theater Fans’ Choice Awards ngayong taon.
Nakilala siya sa pag ganap sa isang karakter na si Erzulie na isang “goddess of love” sa musical na Once On This Island.
Ang mga resulta ng fan-based awards ay inilabas sa opisyal na website ng BroadwayWorld noong Hunyo 4, 2018.
Ipinahayag ni Lea ang kanyang pasasalamat sa pamamagitan ng kanyang Twitter account.


Ang co-star ni Lea sa Once On This Island na si Alex Newell ay nakakuha ng award para sa Best Featured Actor sa isang Musical.
Umani ng samut-saring awards ang Once On This Island kabilang na dito ang Best Revival of a Musical, Best Direction of a Musical, Best Choreography, Best Leading Actress in a Musical, Best Lighting Design, Best Orchestrations, Best Scenic Design, Best Sound Design of a Musical, and Broadway’s Backbone Best Musical Ensemble.


Facebook Comments