NAG-AMOK | Lasing, nagwala – arestado!

Quezon City – Arestado ang lasing na lalaki matapos na mag-amok sa Barangay Damayan, lungsod ng Quezon.

Kinilala ang suspek na si Renier Marceliano, 33-anyos, residente sa nabanggit na lugar.

Isang concern citizen ang nagsumbong sa barangay ng nasabing pangyayari.


Agad na dinala at tinurn over ng mga barangay tanod ang suspek sa mga awtoridad matapos maaktuhan na naghahamon ng away habang may hawak na patalim.

Facebook Comments