Nag-audition sa isang patok na talent search, kumanta ng “Happy Birthday”

12474
Image via Idols SA

Viral ngayon sa internet ang lalaking nag-audition sa isang sikat na singing competition sa South Africa.

Sa bidyong nakalap ng PINAS Trends Facebook page, sinabi ng aspirant singer na si Linda Sosibo sa mga hurado ng Idols Extra na ang piniling awitin ay hindi pa ginamit ng kahit sinong nag-audition sa talent show.


Aniya, maging si Mariah Carey hindi ito kinanta sa kanyang mga concert.

Tila na-intriga ang mga hurado sa kakantahin ng lalaki kaya naman agad nila itong pinagperform.

At biglang inawit ni Sosibo ang “Happy Birthday Song.”

Hindi naman napigilan ng mga judges matawa at binigyan pa ng standing ovation ang binata.

Ang audition video ay ipinost din ni Sosibo sa kanyang Youtube page:

Umulan naman ng nakatatawang reaksyon mula sa netizens ang comment section ng PINAS Trends.

“Sa tingin ko di mo pa time para sumikat, pero time na para mag bagong buhay.

“He needs to work on some flats and sharp.. but overall, great song choice

Nobody did that before such an amazing talent!

“He’s very clever! Never heard that song to any auditions before.

Sa ngayon, umabot na sa mahigit 2.3 million views ang viral video ni Sosibo.

Facebook Comments

From Advertisers