Pinaanod na sulat sa bote, may nakapulot matapos ang 24 taon

2048
Image via WTHR-TV

Mala-pelikula ang eksenang nakakapulot ng liham na isinilid sa bote at pinaanod.

Sa Florida, isang lalaki na nagpapahinga lang sa baybayin ang nakadiskubre ng sulat na pinaanod 24 taon nang nakalipas.


Kuwento ni Gary Henrickson, ineenjoy niya lang ang tubig nang mapansin niya ang lubog-litaw na bote ng alak.

Nang binuksan niya ito, nadiskubre niyang 1995 pa nang ginawa ang sulat at itinapon sa Lake Michigan.

“The note says: Hello, June 16, 1995, Frankfurt, Michigan. I’ve tossed this bottle into the water to bring joy to anyone who finds it. This whiskey bottle was full a few short hours earlier. If you find this call me, and I’ll buy you a drink,” ani Henrickson sa WTHR-TV.

Sinubukan naman ni Henrickson na magpadala bng text message sa number na nakalagay sa sulat at laking gulat niya nang gumagana pa ito.

Napag-alaman niyang 49-anyos na ngayon ang nagpaanod ng sulat at napag-usapan na rin nila ang kuwento sa likod nito.

Hinala nila, sa Mississippi River nagpaanod-anod ang bote.

Facebook Comments

From Advertisers