NAG-AWAY | Mister, patay matapos saksakin ng misis sa QC

Quezon City – Patay ang isang mister makaraang saksakin ng kanyang misis matapos silang mag-away sa loob ng kanilang bahay sa Quezon City.

Kinilala ang nasawing biktima na si Rannie Tomas habang ang misis ay nakilalang si Marynor.

Sa imbestigasyon, nagtalo ang mag-asawa sa hindi pa mabatid na dahilan kung saan nakita na lamang na duguang humihingi ng tulong ang mister.


Nagawang maisugod sa Delos Santos Hospital ang biktima subalit namatay din ito habang ginagamot.

Nakatakas naman ang ginang na si Marynor kung saan nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang kutsilyo na 10 pulgada ang haba na ginamit niya sa pananaksak.

Facebook Comments