SUNOG | Ilang mga bahay, tinupok ng apoy sa Maynila

Manila, Philippines – Tinupok ng apoy ang ilang mga bahay sa Antonio Street, Barangay, 47, Dapitan , Maynila.

Sa ulat, unang sumiklab ang apoy alas-4:45 kahapon kung saan idineklara itong fire out bago mag-alas-6:00 ng gabi.

Inabot ng ikalawang alarma ang insidente at lumalabas sa paunang imbestigasyon na nagmula ang sunog sa bahay ni Roberto Santiago dahil sa nag-overheat na electric fan.


Humigit kumulang naman sa P450,000 na halaga ng ari-arian ang natupok habang nasa covered court ng barangay nananatili ang mga residente naapektuhan ng sunog.

Facebook Comments