NAG-IINGAT LANG | Master list ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia, hindi basta-basta ilalabas – DOH

Manila, Philippines – Handa ang Department of Health (DOH) na ilabas ang master list ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia kung ito ay ipag-uutos ng Korte.

Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, kahit nais nilang maging transparent ukol sa kontrobersiya ng Dengvaxia, hindi nila basta-basta maaring ibigay ang pangalan ng mga bata.

Pinag-iingat aniya ang ahensya ng National Privacy Commission (NPC) sa paglalabas ng listahan dahil posibleng malabag nila ang data privacy act of 2012 na siyang nagpoprotekta ng personal information ng isang indibidwal.


Iginiit din ng NPC na may permiso dapat mula sa guardian o magulang ng bata kung ito ay ilalabas.

Samantala, dumating na sa bansa ang anim na ekspertong ipinadala ng World Health Organization (WHO) para tumulong sa Department of Health (DOH) kaugnay ng isyu sa Dengvaxia vaccine.

Facebook Comments