Pasay City – Nag-ikot sa ilang pamilihan sa Pasay City ang Department of Trade & Industry (DTI) para sa price monitoring ng mga basic commodities.
Pinangunahan ni Undersecretary Ruth Castelo ng DTI-Consumer Protection Group (CPG) ang pag-inspeksyon sa SM Savemore market, Liana’s Department store at Puregold Libertad.
Ayon kay Usec. Ruth, simula niong a-primero ng Enero hanggang ngayon wala pang nababago sa presyo ng mga basic commodities at pasok pa ang mga ito sa Suggested Retail Price o SRP.
Inaasahan kasi ng DTI na pagpasok ng ikalawang linggo ngayong buwan ay magkakaroon na ng bahagyang pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin pero hanggang ngayon napapako pa rin ang presyo ng mga ito.
Pero babala sa mga consumers, “any time soon” asahan na ang paggalaw sa presyo ng basic commodities nang bahagya lamang dahil sa umiiral na TRAIN law.
Sa pag-iikot sa mga pamilihan na obserbahan ng DTI na mas mura ang mga bilihin dito ng 75 cents hanggang piso.