Manila, Philippines – Nagbayad na sa Korte Suprema ng 50-thousand pesos na multa ang kampo ni dating senador Bongbong Marcos.
Ito ay bilang pagtalima sa utos ng Presidential Electoral Tribunal na nag-aatas na magmulta ang kampo ni Marcos at Vice president Leni Robredo dahil sa pagsuway sa gag order kaugnay ng electoral protest.
Partikular ang gag order ng PET na nagbabawal sa kampo nina Marcos at Robredo na talakayin sa publiko ang merito ng kasong isinampa ni Marcos.
Tiniyak naman ng kampo ni Robrero na tatalima din sila at bukas ay magbabayad sila ng multa sa PET.
Facebook Comments