Manila, Philippines – Iniulat ng pamunuan ng Manila Int’l Airport Authority na kalahati o 20 sa 42 airports sa buong bansa ang kayang mag operate sa gabi.
Ayon sa MIAA ang mga ito ay may night-rated capabilities.
Nito lamang isang taon nakapag-operate narin sa gabi ang 4 na paliparan sa bansa kabilang ang Legazpi, Roxas, Dumaguete, at Caticlan airports.
Habang ang mga paliparan sa Naga, Dipolog, Cotabato, at Cauayan ay target ng DOTr na maibilang sa night-rated airports sa bansa bago matapos ang taon.
Sinabi pa ng DOTr at MIAA na bago matapos ang Duterte Administration sa 2022 lahat ng 42 airports sa bansa ay mayroon ng night-rated capabilities nang sa gayon ay mas maraming turista ang bumisita sa bansa.
Facebook Comments