Nag-overtake, Kumain ng Kabilang Linya, Motorsiklo Sumalpok sa Kasalubong na Isa pang Motorsiklo, Drivers Parehong Patay

*Patay ang dalawang motorista matapos ang head-on collision ng kani-kanilang sinasakyang motor kamakalawa ng gabi sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur. *
*Isang north bound na motorsiklo na pinagmamaneho ng isang Abdel Ejes y Apuyan, edad 20, binata at residente ng Brgy. Tambo, bayan ng Pamplona sa Camarines Sur ang sumalpok sa isa pang southbound na motorsiklo na minamaneho naman ng isang Mark Glen Gureuna y Alindogan, edad 23 na residente naman ng katabing bayan ng Libmanan, Camariners Sur. *
*Ayon sa report, ang unang nabanggit na motorsiklo ay nag-overtake umano sa isang Van at kinain umano nito ang kabilang linya ng kalsada na tyempo namang may kasalubong na nakamotor din at mabilis ang pagtakbo nito. *
*Dahil sa lakas ng impact, patay ang dalawang driver ng nagbanggaang motorsiklo. Sinikap pa ng mga rescuers na dalhin sa Bicol Medical Center ang mga biktima subalit dahil sa lakas ng impact at lubha ng mga tinamong sugat, binawian din sila ng buhay. Ang isang back-rider ng nag-overtake na motorsiklo ay naagapan ng mga doctor kahit malubha ang tama nito at kasalukuyang nagpapagaling sa nabanggit na ospital. *
*Paalala ng otoridad sa mga drivers na huwag masyadong maging agresibo sa pagmamaneho at wag magpilit mag-overtake kung hindi malinaw ang tinatahak na linya. *
*Ang lugar ng pinagyarihan ng aksidente ay bahagi ng Maha**rlika High-Way na dinadaanan ng mga malalaking sasakyan at bus galing Naga City papuntang Kamaynilaan. *
*vehicular accident, pamplona, camarines sur *

Facebook Comments