Manila, Philippines – Humiling si PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde sa US Embassy na mapasama sa taunang Balikatan Exercise ang mga pulis partikular ang kanilang Special Action Force troopers at PNP Regional Mobile Unit.
Ayon kay General Albayalde, makikipagpulong uli sya kay United States Ambassador to the Philippines Sung Kim upang mapagusapan ang kanilang kahilingan sa Amerika.
Naniniwala si General Albayalde na malaking tulong sa technical at operational skills ng mga pulis kung regular na silang napapasama sa Balikatan Exercise dahil ang style nito ay military training.
Sa kasalukuyan tanging mga sundalo lamang ang napapasama sa Balikatan Exercise.
Tiniyak naman ni Albayalde na ipapaayos rin nila ang pasilidad o training school ng PNP SAF para mas magamit sa kanilang mga pagsasanay.