Kuta ng NPA nadiskubre sa Magpet , Grenade Launcher at mga IEDs narekober

Nadiskubre ng military sa bayan ng Magpet, North Cotabato ang pininiwalaang dating kuta ng New Peoples Army.

Bumulaga rin sa mga ito ang 1 home- made Grenade Launcher at 3 Improvised Explosive Device ayon pa sa impormayong ipinarating sa DXMY ng 19th IB.

Naging positibo ang pagkakadiskubre ng dating Kuta ng mga armado sa bahagi ng Kinarum Village dahil na rin sa pakikipagtulungan ng isang dating myembro ng NPA na nagbalik loob na sa gobyerno.


Matatandaang noong nakaraang buwan, 34 na NPA members ang sumuko sa 19th IB sa bayan ng Magpet.

Samantala ini – evaluate na ngayon ng military ang mga natagpuang mga explosibo at baril sakaling maaring mapabilang ang tumulong sa pagkakarekober sa Enhanced-Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

GOOGLE PIC

Facebook Comments