NAG-SORRY | Facebook Founder Mark Zuckerberg, humarap sa pagdinig ng US Congress tungkol sa malawakang data breach

Amerika – Humarap sa pagdinig ng US Congress si Facebook Chief Executive Mark Zuckerberg ukol sa nangyaring data breach ng British consultancy firm na Cambridge Analytica sa higit 80 milyong users ng social networking site.

Sa kanyang opening remarks, humingi ito ng tawad dahil nagkulang sila ng kanyang developer team na mapigilan ang illegal information sharing.

Aminado rin si Zuckerberg na hindi naging sapat ang pagsasaisip ng kanilang responsibilidad.


Ayon kay Zuckerberg, handa nilang ituwid ang nangyaring mali at magiging mapagmatyag na sila sa mga application na humihingi ng impormasyon mula sa user.

Sa ngayon, nakikipag-ugnayan na ang Facebook sa US, United Kingdom at ibang bansa para magsagawa ng full audit sa ginawa ng consulting firm at matiyak na maalis sa kanila ang mga hawak pa nilang data.

Iimbestigahan na rin nila ang mga application na kumukuha ng mahahalagang impormasyon mula sa kanilang user.

Kapag napatunayan na nagamit nila sa maling paraan ang mga impormasyon ay ipapa-ban na nila ito sa Facebook.

Facebook Comments